Home
gianime
30 September 2008 @ 09:26 pm
Kahapon, bago matulog ay napag-usapan ng ilan kong kasamahan na pupunta sila ng Ocean Park. Di ko pa rin alam kung saan ako sasama kasi may iba din lakad ang iba ko pang kasama dahil balak nila pasyalan ang city of the stars (un ata un) at gusto ko rin sana makapunta dun.

May 23: (Pinakamahabang araw) )

Sobrang nakakapagod ang araw nato pero masaya naman dahil marami kaming napuntahan.


Senxa na sobrang haba nito. PUtol-putol ko kasing ginawa to. Pag naiisip ko lang tsaka ko sinusulat. Pagtyagaan nio n lang. Salamat sa pagbasa :D



 
 
gianime
10 August 2008 @ 01:41 am
Unang-una, sobrang late na nitong kwento ko. Pero naisipan ko na ring gawan ng post dahil bka makalimutan ko pa ang super great experience na ito hehe.

Nuong May 22-26, ako ay nagpunta sa Hong Kong kasama ang aking mga "kapanalig". Marahil iisipin ng karamihan na kaya ako nagpunta doon ay para makapamasyal sa Disneyland o di kaya ay sa Ocean Park ngunit hindi iyon ang dahilan. Iisa lamang ang rason kung bakit kami nagpunta doon. Nalaman namin na magkakaron ng isang kapanapanabik sa "event" na di namin maaaring palagpasin. Eto ay ang Larc~en~Ciel concert. Sa sobrang pagmamahal namin sa bandang ito ay ginawan namin ng paraan para matuloy ang planong panonood nito.

Maraming naging problema bago maisakatuparan ang planong pagpunta sa HK ngunit isa-isa namin itong naresolba. Una ay ang ticket sa concert, ang titirhan namin, ang plane ticket at syempre, ang puno't dulo ng lahat ng problema, ang pera. Di ko na ikkwento kung pano namin nagawan ng paraan ang lahat ng ito dahil hahaba lang ang kwento kaya punta na tayo sa aking pag-alis :D.


PS. Ok ang haba na nito. Day 1 pa lang yan e half day lang yan! naku pano ko pa ikkwento ung ibang araw. ang hirap! pero cge bahala na. next time ko icontinue. basta day 1 muna. Pag sinipag ako day 2 naman hehe.

PS PS. WOW umabot ka hanggang dito. Sipag mo hehe.
 
 
gianime
01 August 2008 @ 09:51 pm
Dahil nakita ko sa blog ng aking ka-opism8 na si [info]darkangelus2121  ang tungkol sa meaning ng pangalan nia... tinanong ko kung san ang link nito para naman ma-update ko ang blog ko hehe. Anyways, pinost ko sia dahil parang sobrang accurate nia sakin wahaha.



Wala akong masabi dahil sobrang accurate nia. Kung gusto nio icheck ung names nio, punta na lang kayo sa link na ito: What's your name's hidden meaning quiz

Cge un lang. Try nio :D
 
 
gianime
20 June 2008 @ 10:07 pm

Kamakailan lamang ay kumuha ako ng SCJP 1.4 exam.
Sa awa naman ng Diyos ay ipinasa ko sia at di ko akalain na mataas ang makukuha ko. 

Kahit ako nagulat sa score ko. Feeling ko tuloy ang swerte swerte ko na ung inaral ko un ung lumabas.

Siguro chance ko na rin to para pasalamatan ang lahat ng dapat kong pasalamatan.

Unang-una, Syempre ang Panginoon dahil binigyan nia ako ng sapat dunong para maipasa ko ang exam.
Pangalawa, Ang manedyer ko at ang bossing ng manedyer ko dahil "ni-require" nila akong kumuha nito.
Pangatlo, Ang aking TL dahil pinayagan nia akong mag-aral kapag wala kaming "work item"
Pang-apat, Ang aking pamilya at mga kaibigay dahil ako ay patuloy nilang sinuportahan.
Pang-lima, Ang aking mga ginulo sa tuwing ako ay nag-aaral. Di ko na kayo babanggitin kasi di nio naman to binabasa hehe
Pang-huli, Ang Laruku dahil kung wala sila di ako "inspired" hehe.

So ano ang teknik para pumasa? Hmmmm.....

mag-aral at konting sakripisyo :)) Nagpaka-GEEK mode talaga ako.

Ang simple no!
pero yun talaga ang tanging solusyon para pumasa. Inisip ko na lang wala na kong pera kaya kelangan kong ipasa to para marefund ko naman ang ginastos ko :D

Yan lang ang tatlong maipaayo ko sa lahat ng gustong mag-exam ng inexam ko :D

Baka naman sabihin nio nawala na ang aking social life. Sa totoo lang nasobrahan ako ng pag gala kaya napilitan din akong mag CRAM nung last week. Di ko na nga maisip kung pano ko napagkasya ang mga panahong iyon dito. Di na yun related dito kaya ung mga napuntahan ko, ikkwento ko na lang sa ibang blog entries ko :D

Nakalimutan ko palang banggitin kung para saan lahat ng sakripisyong ito. Hmmmm isa lang ang sagot...

PARA AKO AY MAREGULAR HAHAHAHA 
Tags:
 
 
gianime
04 June 2008 @ 09:25 pm
Mejo late ako nagising kanina kaya naman nagpahatid na ko sa FX Terminal. Dumating ako dun kaso sa kamalas-malasan e puno na ung FX na dapat kong sakyan kaya ung sunod na FX na ung masasakyan ko. 

Tingin ako sa relo ko. OK di pa naman ganun ka late. 7:10 am pa lang. Yun nga lang magpupuno pa ung FX kaya mejo nag-aalangan ako. Kala ko matagal siyang mapupuno pero di naman pala, mga 7:20 am e puno na sia. Ayun naningil na din ung FX driver kaya wala na siyang aatupagin mamaya kundi magdrive.

Eto ang masaklap. Sobrang bagal nia magdrive! Akala ko mabagal akong magdrive kasi ayaw ng mommy ko ng mabilis magdrive yun pala may mas babagal pa sakin! Naman! Sobrang bagal nia. Eto ang example. May tricycle sa harap namin. Wala naman kaming kasalubong na iba. Ibig sabihin pde sia mag-overtake... WELL ewan ko kung masyado lang sia nag-eenjoy sa pace ng kanyang sasakyan o talgang ganun lang talga kabagal ang sasakyan nia pero wala siyang ginawa. Pinauna nia ung tricycle hanggang sa lumiko ito sa kanto. Badtrip! nagpaparamdam na nga ako sa kanya e. Syempre dahil nasa harap na naman ako no. Ginawa ko tingin ako ng tingin sa relo ko sabay kunwari nagbibilang ng kung ano para naman makita nia na may mga taong nagmamadali. Pero wa-epek!

So cge mejo pinatawad ko na sia dun kasi di pa naman talga ko huli pero NAMAN!!! sa HI-WAY!!!!!! Goodness talga! di naman trapik pero UBER BAGAL talga! estimate ko nga nasa 40 kph lang ang andar namin. talagang nakakaasar! Siya ata ang direct opposite nung idol kong FX driver! Masasabi kong ito ang pinaka ayaw kong driver sa kanilang lahat! Sobrang bagal talga. Kung nahuli huli pa ata ako ng gising tas sia ulet ang nasakyan ko, NAKOW LATE na KO!

Buti naman kahit papano di naman ako na-late. Pero sa susunod talga aagahan ko na para di ko na sia maabutan ulet hehe. At kung maabutan ko man, atleast maaga naman ako. :D
Tags:
 
 
gianime
03 May 2008 @ 08:48 pm
Habang ginagawa ko tong post na ito ay binubunu ko ang pagkain ko ng Oishi Ridges - Wasabi Flavor.

Favorite ko naman lahat ng flavor ng Oishi Ridges.... maliban lang ata dito. Di ko mawari ang lasa nia. Nakakatakam lang sia buksan pero nung natikman ko na... nagsisi na ko. Bat ko ba to nabuksan pa! Yan tuloy kelangan ko siyang ubusin!

YUCK!!!! Anong lasa to! di ko maintindihan. Di ko madescribe sa sobrang kaweirdohan ng lasa nia. Parang nakalimutan na nila ung ibang dapat ilagay na flavoring maliban sa wasabi. Parang puro wasabi ata ung nalagay nila.

Mejo kasi deceiving ang kulay ng wasabi flavor at nung sour cream flavor. Pareho silang green kaya naman nabibili tuloy ang wasabi flavor. Siguro nga dahil sa nagkakamali ang mga bumibili e kaya feeling nung kumpanya ay naghihit ung flavor na un hehehe.

Kelangan ko tong ubusin :((. Parang tanga na nga ung pagkain ko. Di ko na nilalasahan para maubos ko lang. Ngaun kalahati na sia. So mga ilang oras pa para maubos ko to... haaaayyyyyy

Opinyon ko lang naman to kaya kung may makabasa man na mahilig sa flavor na ito e sorry na lang. Kasi ako talga di ko kayang matagalan.
 
 
gianime
03 May 2008 @ 02:40 pm
Palapit na ang outing namin sa Palawan at di ko maalis sa isipan ko na baka dapuan na naman ako ng dengue. Unang-una ang laki ng history namin pagdating sa dengue. Ang pareho kong kapatid ay nagka-dengue na ng dalawang beses. Ako isa pa lang. Kung titingnan sa history mukang kelangan e dalawang beses din akong magka dengue hehe. At san ko naman mapupulot ang pangalawang iyon??? bka sa Palawan hahaha

AYOKO!!! Ayoko talagang magka-dengue. Ang hirap e. Natatandaan ko pa lahat ng nangyari sakin nung nagkadengue ako.


Ayan lahat nangyari nung nagka-dengue ako. Ang tagal kong absent! Kya nga ayoko yang maulit kasi ang daming pangyayari. Ang haba nung post ko tas isipin mo ipopost ko ulet dito yang ganyang kahaba. Di kaya tamarin na ung magbabasa nyan. Pero basta ayoko magka-dengue PERIOD! Tatadtarin ko na lang ng OFF lotion ung sarili ko hahaha.
Tags:
 
 
gianime
30 April 2008 @ 07:51 pm
Sa tuwing papasok ako ng opis ay lagi akong sumasakay ng FX. May FX terminal kasi malapit samin. Ang FX terminal na ito ay di legal kaya naman meron pa silang radyo sa kanilang mga FX. Kung tutuusin dapat nga ay di ko pa sinusuportahan ang mga FX na ito sapagkat di nga sila legal. Ngunit, wala rin naman akong magagawa dahil yun ang pinakamadaling sakayan patungong opisina. Ayoko naman mag DiYiP dahil ayokong mahuli sa opis. Isa pa, pag ako ay nag DiYiP ay maraming sakay pa ang gagawin ko.

Sa FX Terminal na ito ay meron akong Idol na FX Driver. Bakit ko naging Idol? Syempre dahil sigurado ako na pag siya ang nasakyan ko ay hindi ako mahuhuli sa opis kahit kelan. Pano ba naman, numero uno atang kaskasero si idol. Trapik na e nasa 80 kph pa ang andar nia. Pag magbbreak sia ay tipong ilang metro na lang ang layo mula sa isa pang sasakyan. Pag gitgitan, makikisingit pa sia sa gitna ng dalawang sasakyan. Ang hilig pa nia dumaan sa may shoulder lane. Syempre kitang kita ko lahat ng pangyayari, pano ba naman madalas akong umupo sa passenger seat. Ayoko kasing umuupo sa gitnang parte ng FX maliban na lang pag walang-wala ng maupuan at talagang nagmamadali ako. Pano sa sobrang kapayatan ko ay ginagawa nila akong "paningit" sa FX hehe. Yung tipong pinipilit nilang kasya ang apat dun e parang kalahati na lang ata ng katawan ko ang pwedeng kumasya. Mga tipong ganun.

Kaninang umaga ay nakasakay ulet ako sa FX ni idol. Syempre nadama ko ulet ang pabugsu-bugsong pag-break at paghahagibis nia sa SLEX. Alis ko ng bahay ay 7:10 at dumating kami ng toll gate ng 7:25. O diba ang bilis.

Yun nga lang akala ko ay makakarating ako ng opis ng maaga pero nde pala. Bakit kanyo? dahil di pa ata nag-aagahan ang mga manghuhuli ng mga illegal na fx. Kaya eto na kami, nasa toll gate na tapos syempre si idol todo radyo sa kapwa nia drayber para malaman ang posisyon ng mga manghuhuli. Nakakatuwa ngang pakinggan ang kanilang usapan pano may code code pa silang nalalaman. Tipong "347 pakicheck nga jan sa Asian kung meron"

Nakalagpas naman kami ng asian ng matiwasay at kasalukuyang binabagtas ang alabang hills. Dun ay na spot-an namin ang mga manghuhuli. Kakatawa ang pangyayari. Parang sine. May isang pasaherong nag-para pero si idol parang walang narinig tas todo liko sa kanto at biglang pumasok ng isang mall at nagpark.. Pagtapos nun ay nag explain kay pasahero na may nanghuhuli kaya dun na lamang siya bumaba. So okay ang pangyayari. Di pa kami nahuhuli. pano nasa parking area kami tas tipong 10 minuto na ata kami dun. Panay silip pa si idol dun sa di kalayuan at todo report sa kapwa nia drayber. hehe.

Syempre parang ok lang ang nangyayari pero sa loob loob ko. Hala bat di pa kami umaalis dito! Baka ma-late na ko! Ayun buti na lang at naisipan na niyang umalis ng parking area. Ok naman at safe na kami. Wala na ulet ang mga manghuhuli. Ayun at nasa ATC na kami ng biglang.... tumigil sia. Ang swerte ko naman! ilang minuto na lang ang layo ko sa opis tas nagka ganito pa! Tapos nun ay tinanong niya kung may bababa ba sa may Shell station. Ako un! Kaya sabi nia ay "pasensya na po pero kung pwede po sana dun ko na lang kayo ibaba sa may Ford". So ako naman mejo wala sa ulirat OO lang. haha Pano iba ang intindi ko. Naka earphones kasi ako at kasalukuyang nakikinig ng musika kaya mejo mahina ang rinig ko nung sinasabi nia ang mga bagay na un.

Kaya umikot pa ulet kami sa kabilang kanto at dun ako binaba. Syempre humingi sia ng pasensya dahil sa abala. Ako naman ok lang. Syempre kunwari ang bait ko kaya sabi ko "OK lang po di naman po maiiwasan". Pero sa totoo naman talga ay okay lang sakin. Para maiba naman. Yun nga lang mejo malayo ang nilakad ko. Maliban pa dun ay tumawid pa ko.

So anong sense ng kinuwento ko? Wala lang haha. Idol ko pa rin sia kahit na ganun dahil di naman ako nahuli sa opis. Atsaka di naman nabawasan ang pagiging kaskasero nia. Kung tutuusin pa nga ay napaka-galing nia umiwas sa mga manghuhuli hehe. O diba dapat tularan! Kaya ako sa susunod pagmamasdan kong maige ang driving skills nia para mai-apply ko rin pagdating ng panahon :D
Tags:
 
 
gianime
27 April 2008 @ 10:06 pm
I was trying to search for the guitar chords of Hirai Ken's song Pop Star when I bumped into someone's blog talking about a website hosting Japanese Songs with chords.

Check out this site: XXX Sound

The site is in Japanese so you have to type in japanese characters in order to search a song or an artist. But I bet since you're looking for japanese chords or lyrics then you're pretty much familiar with the characters.

Just a simple tutorial on how to use the site (Just in case you get lost):

* The first text box is for general search. You can type either the artist (In hiragana/katakana/kanji whichever you prefer) or the title of the song then click the button next to it.
* The one inside the box artist/Music/Score search is for specific searching. The first text box is for the artist and the second text box is for the title of the song. Then click either of the buttons next to them.
* After all those typing and clicking a list will appear and voila! Lyrics (in japanese script) with Guitar chords.

Try to explore the site. I was able to find ken hirai's pop star :)

That's all have fun!
 
 
gianime
17 April 2008 @ 09:42 pm
Sa tuwing uuwi ako galing opis ay kadalasang sumasakay ako ng DiYiP.

OK naman sumakay sa dyip. Syempre dahil mura.

Nung nagsimula akong magtrabaho sa Alabang, di ko alam na may sakayan ng DiYiP. Nalaman ko lang na may deretsong sakayan pauwi samin dahil nakasabay ko ang isa kong ex-opism8 na itago nalang natin sa letrang R. hehe Kaya ngayon alam ko na ang sakayan ng DiYiP pauwi sa bahay namin.

Pero bakit ko naman ikkwento ang tungkol sa DiYiP. Syempre dahil merong kapanapanabik na nangyari sakin.  Pero di ito magandang pangyayari. Sa katunayan ay 2 ekspiryensya ang hindi ko makakalimutan kahit kelan kaya eto ikukuwento ko na.

Pareho itong nangyari nung ako ay kolehiyo pa lamang.

#1
Pauwi ako galing sa aking unibersidad. Marami akong dalang gamit dahil ako ay isang estudyanteng kumukuha ng inhinyeriya kung kaya"t may mga panahong may dala akong malalaking libro. Pasakay na ako ng DiYiP pero iisang kamay at paa pa lamang ang naisasakay ko e bigla na itong umandar! Marahil itatanong nio kung ano ang nangyari sakin.... Syempre nahulog ako! Ang problema di ko mabitawan ang kapit ko sa DiYiP. Bakit??? dahil pag binitawan ko iyon ay masasagasaan ako ng mga sasakyang nasalikod nito. Anong nangyari sakin??? mejo nakaladkad lang naman ako!!! DUH! Napansin lang un ng napakabait na drayber nung nagstoplight na! kaya kumusta naman ako!

#2
Pauwi ako galing sa aking unibersidad. Mejo gabi na nun. Syempre sumakay pa rin ako ng DiYiP. kasasakay ko lang at nakaupo naman ako sa malapit sa labasan. Ang PROBLEMA.... may sumakay na isang lalaki.... umupo sia dun sa may labasan. Ang mas MALAKING PROBLEMA...may dala sia... bote at isang matulis na bagay. Yung bote ... RUGBY!!! ung matulis na bagay ICE PICK! NAMAN! ang malas ko naman! kinabahan talga ako. sa loob loob ko naiisip ko..pano ko lalabas dito e nakaharang sia sa labasan! Di ko alam gagawin ko e humihithit sia. tas naaadik sia. As in! nakakatakot. nagwawala sia at tinuturo nia kung saan saan ung ice pick. nakakatakot! Pero syempre nakalabas ako. di ko alam kung pano. Basta bigla na lang ako nag para tas nakalabas ako. Pagkatapos nun ay sumakay na agad ako ng bus.  Haaayy salamat! SAFE!!!!

Kaya mahal na mahal ko ang DiYiP hehe. Kung tutuusin, ang mga pangyayaring ito ay nangyari noong panahong ako ay pauwi galing unibersdad. Kaya dapat ata e DI NA KO UMUUWI para di na to nangyari :D

Un lang naman
Tags:
 
 
gianime
17 April 2008 @ 09:05 pm
Ang tagal na pala nung huli kong post. Last year pa! Ang tamad ko namang mag-update!

Malamang itatanong niyo kung bakit ko pa binuhay itong inaamag kong blog. Maraming rason:

UNA            : Wala akong magawa sa buhay
IKALAWA    : Bored to death na ako
IKATLO       :  Nauuso ata ang blog sa paligid ko
IKAAPAT     : Nakagamit ako ng computer
IKALIMA      : Gusto ko na ulet mag blog at magkwento ng buhay ko noon, ngayon at sa future (sorry na, nakalimutan ko ung tagalog ng future)

Ang babaw no hehe.

Ang dami na palang pagbabago dito sa LJ. Pwede pala kong magtype sa rich text ek ek.

Nababano na ata ko magblog. Wala na kagad akong maisip. tsk tsk

nakalimutan ko na rin kung pano magtag.

Inabot ako ng kalahating oras para i-update ang link list.

Cge un muna. Gusto ko ng magkwento ng iba heh
 
 
gianime
02 June 2007 @ 08:48 am
Kelan kaya ako ulet makakatulog ng matagal?

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng ako ay magsimulang mag training. Batid ko naman na ito ay isa itong matinding pagsubok na nangangailangan ng puspos na konsentrasyon. DI KO LANG AKALAIN NA GANOON SIYA KATINDI!

Bawat araw ay mayroon kaming pagsusulit na susubok sa napagaralang katuturo pa lamang. Nagpapasalamat naman ako sa Diyos at kahit papano ay matataas ang mga marka na nakukuha ko sa pagsusulit ngunit syempre meron itong kapalit... Ito ay ang pagpupuyat ko araw araw para lamang mag-aral.

Sa aming Nihongo ay kadalasan mayroon kaming 3 asignatura na kailangan ding ipasa kinabukasan at kailangang basahin na ang Lesson upang maging handa sa pagsusulit at hindi din maging clueless sa itinuturo. Hindi kasi sila ganoon kagaling mag-ingles kaya mejo awkward ang pagtuturo. Para naman sa aming IT ay mayroon kaming 2 asignatura na kailangan din ipasa at maliban pa doon ay kailangang naming basahin ang 2 chapter ng libro upang maging handa sa pagsusulit. SUMA-TOTAL: 3 Babasahin araw araw at 5 asignatura para sa araw lamang na iyon.

Kadalasan ay 6:00 - 7:00 na ako ng gabi nakakauwi at dumarating sa bahay ng 8:00 - 9:00. Pagdating ko doon ay gagawa na ako ng mga asignatura at pinipilit kong tapusin ang babasahin sa araw na iyon. Sa awa naman ng Diyos ay nagagawa ko silang lahat ngunit malaking sakripisyo ang nilalaan ko. Matagal na ata ang 3 oras na tulog sakin araw araw... Minsan tuloy para na kong tutumba sa sobrang antok.

Hindi naman ako nagrereklamo ngunit marahil ay namimiss ko lamang ang aking matagalang pagtulog nuong ako ay di pa nagsisimulang magtraining. Buti na lamang talga at gusto ko itong ginagawa ko kung hindi.... marahil ay sumuko na ko.

Ngayon mag aadvance reading na ko upang magkaron ako ng time matulog. Sana matapos ko at ako ay maka survive :)
Tags:
 
 
gianime
19 May 2007 @ 04:40 pm
Haayy naku! naaadik na naman ako sa dorama. Kasalanan ng Hana yori dango 2! Pinag iisipan ko tuloy kung bili ko ng GTO o hindi pero gusto kong magkaron ng maayos na kopya ng GTO kaya baka maghanap ulet ako sa suki kong bilihan hehe

Ang ganda ng Hanadan2! Nakakaadik! Dalawang araw ko lang sia pinanood. Dapat nga isang araw lang kaso sumakit ung mata ko kaya napilitan akong tumigil.

Ang kyut nilang lahat dun lalo na si OGURI SHUN! nyahahaha

Nakaka LSS ung kanta ng ARASHI na Love so Sweet. Un din ung opening ng hanadan2. Feeling ko tuloy bka maging fan ako ng arashi neto. Ang angas ng PV nito dahil ang galing nila mag act as manequin.

MAY SEVENTH HEAVEN PV NA!!!!! Nakita ko sa youtube hahaha may bago din song ang laruku para sa Subaru CM.

namimiss ko tuloy ung channel V namin dahil sigurado ipapalabas un mga PVs na un dun.

Ang disoriented ng post ko hehe LABO LABO NA TO HAHA
 
 
gianime
19 May 2007 @ 03:53 pm
If you want to download videos from youtube or google videos, then this site is for you!

http://www.downthisvideo.com/

this site allows you to download the videos from site that "streams" videos. It's very easy to use.

1. Copy the url of the video in youtube or google video.
2. go to the downthisvideo site and paste the link on the bar then click download.
3. After that you'd be transferred to a page where the download link shows at the bottom of the page.

*** For youtube files, the videos are in flv format. For google vid files they may either be in flv,avi or mp4 files.

An advantage of this is that you don't need to download a program and install it in your computer just so you can download the files from youtube, etc.
Of course you can't expect high quality videos since sites such as youtube, etc. convert the vidz into smaller LQ files. FLV files can be played in VLC player. This is a freeware so just google it :)

If you want to store it and probably watch it in IPOD vid, mp4 player or Palm pilot then the quality is tolerable enough. Of course converting it from one format to another is a diffferent story. Hopefully, your gadget has some tools that converts it from one format to another.
Tags:
 
 
gianime
02 May 2007 @ 11:27 am
It seems quite a while since the last time i've created a post. Nothing special really happened. My kapatid is already on vacation so I have to share the pc with him. It's either he use it for the day or I use it for the day. This goes on and on for the past couple of days and usually it's me not being able to use it.

I was able to finish my hiragana and katakana self study meaning I'm suppose to be ABLE to read kanas as if it's as normal as romaji but I'm still slow in reading it. I don't have a lot of kanas to read here at home.

I'm actually planning to post what I've learned so far here in this journal but I can't seem to find the right time to do it without being disturbed. Whenever I have the chance to use the PC, something seems to come up that requires my attention/help. I wanted to make it so that I'd have an online reference on what I've learned and it would be more accessible for me.

I'm studying a book "Japanese in Thirty hours" which I found in our school's library. It's a very old book and it's dated in the 1950's. It is very easy to understand and once you've read the first 5 lessons, I assure you that you'll be amazed that you already know how to make simple sentences.

I was able to finish removing the commercials on 15th L'anniversary shown on Channel V (we still have that channel during that time). It took me SIX long hours re-encoding everything because the PC heats up. I'm really proud of Laruku being able to accomplish such feat. 15 long years in the entertainment biz is definitely a remarkable thing and I'm happy that they're still pursuing their career as musician. I hope they'll stay together as long as they can and make music the way they do.

I just finished my medical/physical exam. I hope everything's fine. They even took a tuberculin test. I'm glad the result was negative. I'm such a worrier about things happening to me.

My birthday's coming up! I'm not really hyped about it coz I don't have any plans yet on what to do on that day. I'd probably bum around again.

I'm watching BLEACH anime. I never thought I would be hooked on it. It's a cool anime about a HS student being able to acquire shinigami powers given to him by a shinigami in order to save his family. Seems like animes are really focusing on shinigamis for the past years.

I do plan to post a lot today but my laziness is kicking me back. I just have a lot of posting plans that somehow thinking about it ends me up not doing it.

I'll end this. I'm blabbing a lot of useless things hehe